You give that hummingbird heartbeat

#foodporn #craving #tbt :)

Bakit ka binasted?

May naisip lang ako habang nag mumuni-muni…

Bakit may mga lalaking nababasted ng nililigawan nila. Kahit binigay nila lahat ng gusto ng kanilang nililigawan, kahit hatid-sundo niya pa sa school, kahit lagi mong nililibre sa mamahaling restaurant, kahit na binigay mo na lahat ng oras mo, at kahit nasabi mo na lahat ng pambobola, cheesy lines o matatamis na salita eh wala parin…

Siguro nga may mga nakapag blog narin na tungkol dito pero itutuloy ko parin. Malay mo iba yung point ko dito…

Unang una sa lahat ang gusto naming mga babae ay yung seryoso sa panliligaw at ipaparamdam na mahal na mahal ka niya. Haha medyo korny pero yan naman talaga e. Sino ba naman yung magkakagusto sa taong hindi ganyan? Pangalawa, EFFORT. Nakalimutan mo ba na nanliligaw ka? Meaning, sinusuyo mo yung babaeng mahal mo. Kaya konting paandar naman dyan. Kung pwede nga lang pati magulang niya ay ligawan mo rin eh. Alam mo ba na mahilig sa surpresa ang mga babae?

Ikaw lalake, dapat mag self-assessment ka muna. Itanong mo sa sarili mo kung: 1) Mahal ko ba talaga siya? 2) Ready na ba ako sa isang commitment? (dahil hindi naman basta basta ang pag ggirlfriend…pinag-iisipan yan at hindi dapat pumapasok sa isang relasyon kung trip mo lang at gusto mo lang na may ka in a relationship ka HAHA) 3) Kaya ko bang mabalance yung academics at love? 4) Siya na ba talaga? 5) Mapapasaya ko kaya siya?

At kung OO ang sagot mo sa lahat ng tanong… siguro naman ay qualified ka na. haha pero walang halong biro. DAPAT PINAGIISIPAN MUNA.

Eh bakit basted ka padin???
Siguro may mali sa’yo or may kulang. Never ever mong sisihin yung babae dahil binasted ka. Hindi siya choosy or whatsoever… Siguro hindi lang niya nakita yung hinahanap niya sa’yo…or yung tinatawag na Ideal Man. Oha hahah seryoso, meron niyan. Kaya ka nga nanliligaw kasi hihintayin mo yung matamis niyang OO, malas mo na lang kung hindi yun yung sinabi niya. Pero wag ka agad susuko. Malay mo matutunan kadin niyang mahalin. Martyr lang? haha pero minsan diyan nasusukat ng babae yung katapatan mo. haha yung perseverance kumbaga. ewan. gets mo di ba?

May iba dyan, mukha naman siyang mabait at gentleman… pero sobrang pabaya sa pag-aaral at puro bisyo ang inaatupag. Tapos manliligaw sa babae…tapos mag eexpect na sasagutin siya. Hala koya, sa panahon ngayon.. sa tingin ko e practical na ang mga babae. Hindi siya magkakagusto sa mukang petiks at walang patutunguhan ang buhay. Kaya ikaw lalake, ayusin mo muna yung buhay mo bago mo atupagin yung panliligaw. Ikaw rin, future mo nakasalalay dyan. Once na makatapos ka ng kolehiyo at may maipagmamalaki ka na… baka babae na mismo lumapit sa’yo. Sarap isipin no? At pag may maganda ka ng career e baka nakapila na sila sa’yo. Pipili ka na lang kung sinong gusto mo.

Oops before you judge me… alam ko di ako galing sa magandang relationship. Di rin naman nag work yung dati ko… pero sa tingin ko tama naman yang pinagsasabi ko. Pero kung ayaw mo maniwala… e nasa sa’yo na yun. :)

Ang random ko ngayon hahaha siguro kasi di lang ako makatulog :)

matabangutak:

Grooms seeing their brides for the first time on their wedding day.

:’)

(Source: fembot77)

matabangutak:

For future reference.

http://www.gov.ph/2013/04/25/infographic-list-of-nationwide-holidays-2013/

January 1, 2013 – New Year’s Day (Regular Holiday)
February 25, 2013 – EDSA Revolution anniversary (Holiday for all schools)
March 28, 2013 – Maundy Thursday (Regular Holiday)
March 29, 2013 – Good Friday (Regular Holiday)
March 30, 2013 – Black Saturday (Special non-working day)
April 9, 2013 – Araw ng Kagitingan (Regular Holiday)
May 1, 2013 – Labor Day (Regular Holiday)
May 13, 2013 – Election day (Special public non-working holiday)[2]
June 12, 2013 – Independence Day (Regular Holiday)
August 21, 2013 – Ninoy Aquino Day (Special non-working day)
August 26, 2013 – National Heroes Day (Regular Holiday)
November 1, 2013 – All Saints Day (Special non-working day)
November 2, 2013 – Additional special (non-working) day
November 30, 2013 – Bonifacio Day (Regular Holiday)
December 24, 2013  - Additional special (non-working) day
December 25, 2013 – Christmas Day (Regular Holiday)
December 30, 2013 – Rizal Day (Regular Holiday)
December 31, 2013 – Last day of the year (Special non-working day)